Bakit Naturewell?
Makatutulong ito sa:
|
Lubos na PagodKung ikaw naman ay malusog at naghahanap lang ng fruit juices para mas maging masigla, ang aming maraming klase ng expertly-blended juices ay maibibigay ito sa iyo. |
||
|
Pagbabawas ng timbangMakatutulong ang smoothies sa pagbabawas mo ng labis na timbang nang hindi lumalaktaw ng pagkain. Ang mga prutas at berries na ginagamit sa inuming ito ay nagsisilbing mahusay na sangkap para mapanatili kang malusog at presko ang pakiramdam sa maalinsangang umaga kapag tag-init. Ang enzymes sa mga prutas ay nakatutulong na matunaw ang taba sa katawan at paglilinis ng daluyan ng iyong dugo. |
||
|
Lebel ng HormonesMalaki ang papel na ginagampanan ng hormones sa pagsasaayos ng ating pangaraw-araw na gawain. Gayunpaman, anumang iregularidad sa kanya-kanyang lebel ng hormones ay maaaring magdulot ng masama. Bukod dito, ang hindi balanseng hormone ay nag-iimbita rin ng maraming karamdaman. Kaya naman para mapanatili ang maayos na takbo ng iyong hormones, smoothie ang tangi mong kailangan. Bibigyan ka nito ng presko at kalmadong pakiramdam ngayong tag-init. |
Mga Patotoo
Bakit kakaiba kami sa lahat
Mas Mabuti Para sa Kalikasan
Ang mga pagkaing lokal na inani ay hindi lamang maganda sa iyong kalusugan, kundi maging sa kalikasan. Sa mas kakaunting preservatives na kailangan at mas kaunting naidudulot na usok sa paghahatid ng mga pagkain, ang mga halaman at ang mga wildlife ay higit na nakakapamuhay.
Eksperto sa Kalusugan
Kung ikaw ay kasalukuyang may sinusunod na health plan, iyan man ay para sa pagkontrol ng timbang o pagkukundisyon para sa palakasan, ang mga tao sa likod ng Naturewell ay maaaring mag rekomenda ng mga pinakamainam na smoothie at juice na angkop sa iyong diyeta.
Pagiging Vegan sa Madaling Paraan
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nauuso ang mga tindahan ng vegan juice ay dahil sa ginhawang dala nito. Isipin mo na lang ang mga prutas at gulay na kailangan mo pang bilhin at hiwain araw-araw para makuha ang nutrisyon iyong kailangan – bagay na maaari pang maging dahilan para iwasan ang paggawa nito araw-araw.
Organikong Prutas at Gulay
Sa pagpili mo sa Naturewell, pinipili mo ring umiwas sa dagdag na asukal at kemikal sa mga prinosesong pagkain. Ang mga organikong prutas at gulay ay pinalago na isinaaalang-alang ang iyong kalusugan pati na ang ating kalikasan. Panatag mong mae-enjoy ang mga pagkain nang walang anumang pesticide o GMO.
Ipinagmamalaki naming ianunsyo na ang Naturewell Juice Bar ay bahagi na ng Coffee Gallery.
Telepono
Phone
Silverlake Phone no.: (323) 664-5894
Altadena Phone no.: (626) 398-7917
Lugar
Silverlake: 3824 Sunset Blvd, Los Angeles, CA 90026
Altadena: 2029 N Lake Ave, Altadena, CA 91001